The Juans – Pasensyoso Lyrics

Pasensyoso Lyrics – The Juans

Tatlong oras na akong naghihintay ng gusto mo
Pangalawang palit mo na ng damit, kasi ayaw mo
Isa lang naman ang isip mo bakit ika’y litong-lito
Wala namang pumipilit sa ‘yo kung ‘di ka sigurado

Sabi mo “oo”, ‘yun pala “hindi”
Lagi na lang ba ‘kong magkakamali
Kahit ano pang piliin mo
Kayang maghintay ‘pag seryoso
‘Di kailangan na mag-atubili
Teka lang muna at ‘wag magmadali
Ganito yata ‘pag mahal mo
Dapat kang maging pasensyoso

Pasensyoso
(‘Di kailangang magmadali)
Pasensyoso
(‘Di na maiinis)
Pasensyoso
(‘Di kailangang magmadali)
Pasensyoso

‘Di ko alam kung sa’n ‘yung kahit sa’n
Sabihin mo kung sa’n mo gusto
‘Di na para maghulaan
Ano ba yung kahit na ano
‘Wag nang gawing komplikado
Ako ngayo’y naguguluhan

Sabi mo “oo”, ‘yun pala “hindi”
Lagi na lang ba ‘kong magkakamali
Kahit ano pang piliin mo
Kayang maghintay ‘pag seryoso
‘Di kailangan na mag-atubili
Teka lang muna at ‘wag magmadali
Ganito yata ‘pag mahal mo
Dapat kang maging pasensyoso

Pasensyoso
(‘Di kailangang magmadali)
Pasensyoso
(‘Di na maiinis)
Pasensyoso
(‘Di kailangang magmadali)
Pasensyoso