TJ Monterde – Unang Halik Lyrics

Unang Halik Lyrics by TJ Monterde

Tanda mo pa ba kung kailan
At saan tayo unang nagkagustuhan?
Pag-ibig na ating naramdaman
Maaari ba nating balikan
Ang dati?

Naaalala mo ba pa
Ang ating unang pagkikita?
Kislap sa’ting mata
T’wing tayo’y magkalapit
‘Di matagong kaba
Sa tuwing ika’y hinaharana
‘Di makatulog sa ating pananabik
Pwede ba tayong bumalik
Sa ating unang halik?

Paborito ko ang iyong ngiti
‘Pag hawak ko ang iyong pisngi
‘Di baleng sila’y nakatingin
Sa’yo lang naman aking pansin
Palagi

Naaalala mo ba pa
Ang ating unang pagkikita?
Kislap sa’ting mata
T’wing tayo’y magkalapit
‘Di matagong kaba
Sa tuwing ika’y hinaharana
‘Di makatulog sa ating pananabik
Pwede ba tayong bumalik
Sa ating unang halik?

Naaalala mo ba pa
Ang ating unang pagkikita?
Kislap sa’ting mata
T’wing tayo’y magkalapit
‘Di matagong kaba
Sa tuwing ikaw ay hinaharana
‘Di makatulog sa ating pananabik
Pwede ba tayong bumalik
Sa ating unang halik?