Zild – 15 Lyrics

15 Lyrics – Zild

Three, four

Kinse anyos ka na nga, pag-ibig na’ng gusto bigla
Hindi namamalayan na
Na ikaw ay tumatanda
Unti-unti nang dadating, sari-saring pakiramdam
Dati gusto mong gawin, wala ka na ngang pakialam

Sana ‘di ka magbabago
Kahit sino man sa mundo, ika’y mabibigo
Sana laging isapuso, ‘di mo kailangan sila
Mag-ingat ka sa pipiliin mo
‘Wag kang susuko

Tsokolate’t bulaklak, diyan ka mauuto nila
O kaibigang nanghahatak
Sa magagarbo na salita
Nakita sa pelikula, hindi katulad no’ng bida do’n
Pag-ibig na romantika, ‘di kailangan lahat nang ‘yon

Sana ‘di ka magbabago
Kahit sino man sa mundo, ika’y mabibigo
Sana laging isapuso, ‘di mo kailangan sila
Mag-ingat ka sa pipiliin mo
‘Wag kang susuko

Hindi mo mapipigilan ‘yan kailan man
Ang payo, magdahan-dahan lang sa paghakbang

Sana ‘di ka magbabago
Kahit sino man sa mundo, ika’y mabibigo
Sana laging isapuso, ‘di mo kailangan sila
Mag-ingat ka sa pipiliin mo
‘Wag kang susuko

Ooh
‘Wag kang susugod