Zild – Medisina Lyrics

Medisina Lyrics – Zild

Dagat tatawirin
Makasama lang kita kahit malalim
‘Di magkakailang adik na nga ako
Sa magara mong amoy, tama pa ba ito?
Ang ibigin ka
Kahit laging bumagyo o malunod man ako
Kakayanin lumangoy, dignidad itataboy
Dumaan man sa bulkan o do’n sa kung saan-saan
Kahit na ako’y sugatan, easy lang ang lahat nang ‘yan

Halimuyak
Mong hinahanap kong magdamag
‘Di masukat
Ang pagitan ng sobra’t sapat
Kailangan kita, halika na nga
Medisina

Lindol walang palag
Kung makasalubong ka, diretso sa lapag
At kusang hihinto ang mga sakuna
Matigas ang ulo ko, mapapahamak
Talaga ako
Kahit na ako’y ganito, imposibleng huminto
Nauubos din ako, balang araw ay lalayo
Hawak mo ‘ko sa leeg, ‘di na makakaalis
Pambihira talaga ang mahika

Halimuyak (Halimuyak)
Mong hinahanap kong magdamag
‘Di masukat (‘Di masukat)
Ang pagitan ng sobra’t sapat
Kailangan kita, halika na nga
Medisina

I love you, my medicine
I love you, my medicine
Mahal kita, my medicine
Mahal kita, my medicine
I love you, my medicine
I love you, my medicine
Mahal kita, my medicine
Mahal kita, my medicine