I Belong To The Zoo – Unahan Lyrics

Unahan Lyrics by I Belong To The Zoo

Sandali lang
Kala niyo ba madali ang
Bigla biglaang pag-amin
Na para bang kwentuhan lang
Ayoko ng madalian
Hindi siya panandalian
Sana kayang hintayin
Nang para ‘di masayang lang

Paulit-ulit mang sambitin
Na ‘di makakahanap pa
Paulit-ulit mang idiin
Na baka maunahan

Mali ba kung hindi ako nagmamadali
Kahit pa bawat minuto ay napapakali
Pipilitin kong
‘Di magkamali, ‘di magkamali
Dadaanan nang mabagal ang bawat sandali
Kahit pa ang oras kayang mapabilis
Pipiliin kong
‘Di magkamali dahil kanya na ang buhay ko

Sandali lang
‘Wag niyo naming pangunahan
‘Di na takot masaktan
Naghahanda sa walang hanggan

Paulit-ulit mang sambitin
Na ‘di makakahanap pa
Paulit-ulit mang idiin
Na baka maunahan

Mali ba kung hindi ako nagmamadali
Kahit pa bawat minuto ay napapakali
Pipilitin kong
‘Di magkamali, ‘di magkamali
Dadaanan nang mabagal ang bawat sandali
O kahit pa ang oras kayang mapabilis
Pipiliin kong
‘Di magkamali dahil kanya na ang buhay ko

Paulit-ulit mang sambitin
Paulit-ulit nang idiin
Paulit-ulit mang sambitin
Paulit-ulit nang idiin

Paulit-ulit mang sambitin
Na ‘di makakahanap pa
Paulit-ulit nang idiin
Na baka maunahan

Mali ba kung hindi ako nagmamadali
Kahit pa bawat minuto ay napapakali
Pipilitin kong
‘Di magkamali, ‘di magkamali
Dadaanan nang mabagal ang bawat sandali
O kahit pa ang oras kayang mapabilis
Pipiliin kong
‘Di magkamali

Dahil mula pa nung una
Kanya na ang buhay ko