Pikit Mata Lyrics by Janine
‘Di ko ikakatalo
Kung ‘di naman ako
Ang hanap mo, sigurado
‘Di matinong dulot nito
Kung kailan palapit, ipagkakait
Bigla damdamin mo
Sa bawat pagpikit, pagdilat, takip-mata
‘Tungo sa ‘yo, oh, oh-oh
Sana ‘di mahalata sa aking mga mata
Ang gustong iparating sa ‘yo, oh, oh-oh
Itatago ko na lamang sa likod ng mga salita
Hanggang sa iyong mapansin ang totoo, oh, oh-oh
Wala pa ngang nangyayari
Ngunit katangi-tangi kang naghahari
Sa aking isip, pa’no pa kaya kung kilalanin ka
Kung kailan palapit, isasantabi
Bigla’ng damdamin ko
At sa bawat pagpikit, pagdilat, takip-mata
‘Tungo sa totoo, oh, oh-oh
Sana ‘di mahalata sa aking mga mata
Ang gustong iparating sa ‘yo, oh, oh-oh
Itatago ko na lamang sa likod ng mga salita
Hanggang sa iyong mapansin ang totoo, oh, oh-oh
Sapat na ang tingnan ka sa malayo
Handang malunod sa mga siguro
(Mhm, mhm)
(Mhm, mhm)
(Kung kailan palapit)
(Ipagkakait)
(Kung kailan palapit)
(Isasantabi)
Kung kailan palapit, ipagkakait, bigla damdamin, oh
At sa bawat saglit, muli’t muli, pikit-matang iibig sa iyo
(Mhm, mhm)