Bawat Segundo Lyrics by Kyle Raphael
Kay tagal
Ko nang hinintay ang araw na ito
Inensayo bawat salitang alay sa ’yo
Kinabisado ang bawat tibok ng puso mo
At ng puso ko
At sa pagitan ng bawat sandali
Ikaw ang minamahal
Biyaya ng Maykapal
Sagot sa bawat tanong
Kung sinong aking mahal
Ikaw lang aking mahal
Laman ng aking dasal
Bawat segundo ko’y ilalaan
Para sa ’yo, mahal ko
Magpakailan pa man
Bumabagal
Ang kamay ng oras t’wing kapiling ka
Buong mundo’y payapa
Tahimik kapag kasama ka
Kay sarap mong mahalin
Ikaw ang pahinga
Sa bawat pahina
At sa pagitan ng bawat sandali
Ikaw ang minamahal
Biyaya ng Maykapal
Sagot sa bawat tanong
Kung sinong aking mahal
Ikaw lang aking mahal
Laman ng aking dasal
Bawat segundo ko’y ilalaan
Para sa ’yo, mahal ko
Magpakailan pa man
Ikaw ang minamahal
Biyaya ng Maykapal
Sagot sa bawat tanong
Kung sinong aking mahal
Ikaw lang aking mahal
Laman ng aking dasal
Bawat segundo ko’y ilalaan
Para sa ’yo, mahal ko
Magpakailan pa man
Oh ikaw, ikaw, ikaw
Ikaw lang
