Moira - San Ka Na Lyrics

Moira San Ka Na cover art

San Ka Na Lyrics by Moira
(Feat. Parokya Ni Edgar)

Sabi mo
‘Di na ‘ko maiiwanan
‘Di na mapapabayaan
Kailan nagbago ang isip?
Dami nang napagdaanan
Pero dito pinakanasaktan
Bakit parang ako pa ‘yung mali?

Ano ba ang nagawa?
Minahal lang kita

Sa’n ka na?
Babalik ka pa ba?
Kinalimutan mo lang ba?
Para lang makawala
Sa’n ka na?
Hihintayin ba kita?
Parang ‘di naman lumaban
Pa’no bang maniniwala na walang iba?
Kung bigla-bigla na lang nawala

Pasensya na
‘Di ako agad nagsabi
Mas pinili ko lumayo na lang
Dahil ayaw na kitang masaktan
Alam ko ‘di mo ko iiwan
At ayokong mahirapan ka
Sa pag-alaga sa’kin, sinta

Kung sa’n ako papunta
Babantayan kita kahit ‘di mo ‘ko kita

Sa’n ka na?
Babalik ka pa ba?
Kinalimutan mo lang ba?
Para lang makawala
Sa’n ka na?
Hihintayin ba kita?
Parang ‘di naman lumaban
Pa’no bang maniniwala na walang iba?
Kung bigla-bigla na lang nawala

Nasa’n ka na?
Babalik ka pa ba?
Kinalimutan mo lang ba?
Ako na lang ba masaya?
Nasa’n ka man?
‘Wag kang mag-aalala
Sinubukan kong lumaban
Maniwala ka sana sa ‘kin, walang iba
Nung bigla na lang akong nawala

Keep listening

More Songs by Moira