Up Dharma Down – Unti-Unti Lyrics

Unti-Unti Lyrics – Up Dharma Down

Wo woah oh oh
Aaah ah aahh

Unti-unting naglalapit
Ang ating mga mundo
Pag-asa ay ating bitbit
Maligaya’t walang takot

Ang saya at pagsinta’y
Tila walang kapantay
Inaabangan ang bawat pagtagpo

Walang mintis ang tuwa
Sa ating dalawa
Hinamak ang lahat

Unti-unting nawawala
Ang iyong mga salita
Dahan-dahang naglalaho
Ang lahat ng pangako

Napapansing lumalayo
Ang iyong tingin
‘Di na alam ang dapat kong gawin
Oh tuluyan ka na bang mawawala sa ‘kin

Ang tamis at aruga
Na laganap sa simula
Ngayo’y nabaon na

Sa puso’t isip na mapait
‘Di na maibabalik
Sa unang araw

Ang pait at ang sakit
Na dati’y wala naman
Ngayon ay hindi na mailagan

Ang tanong na walang sagot
Luhang nadudulot
Sa ating mga mata

Hahanap-hanapin
Ang mga bulong sa gabi
Ulit-ulitin
Ang bawat kwento at sikreto natin

Hanggang wala na
Ang luha sa puso ko
Hanggang sa muli
Tayo rin ang magtatagpo, oh
Wo woah oh oh
Aaah ah aahh
Wo woah oh oh
Aaah ah aahh
Wo woah oh oh
Aaah ah aahh

YouTube video